kumusta?


kumusta?
tuloy lang at makibasa...







Monday, July 25, 2011

isa ito sa mga pinakapaborito at hinahangaan kong tula:

Lahat ng Hindi Ko Kailangang Malaman, Natutunan Ko sa Pelikulang For Adults Only
ni Jose F. Lacaba
(mula sa kalipunan ng Edad Medya: Mga Tula sa Katanghaliang Gulang)

Marumi ang pulitiko, pero malinis ang budhi
ng puta.
Ipokrito ang pari, pero may ginintuang puso
ang puta.
Nagpapaaral ng kapatid na magpapari
ang puta.
Namumutiktik sa putang ina at anak ng puta ang malaswang bibig
ng puta.
Nalululong sa droga ang anak
ng puta.
Ayaw ng putang ina na ang anak niyang babae’y masadlak
sa pagpuputa.
Ang unang tikim sa luto ng Diyos ay ipinapatikim
ng puta.
Bukas ang simbahan kahit madaling-araw tuwing magdadasal
ang puta.
Nagbubulungan ang mga manang na nakakasalubong
ng puta.
Ginahasa ng tiyuhin ang puta kung kaya siya
nagputa.
Talak ng kahirapan kung kaya nagputa
ang puta.
Hindi nagpapahalik sa labi
ang puta.
Kapwa puta ang mga kabarkada
ng puta.
Magandang lalaki ang nag-aalay ng tapat na pag-ibig
sa puta.
Masungit na ina ng magandang lalaki ang nag-aalok ng pera para lumayo
ang puta.
Kung binabaril ang bidang lalaki, yumayakap at tinatamaan
ang puta.
Tanging kamatayan ang tutubos at magpapatawad sa kaputahan
ng puta.
Sigaw ng puta: Pare-pareho naman tayong
puta!

2 comments:

sheng said...

grabe!! ayaw mong mag "puta" ahhh..hehe

pero bow ako sayo kapatid!! galing mo!

sheng said...

grabe ayaw mong mag "puta" ahh..hehe

pero bow ako sayo kapatid!! galing mo talaga..